40s.
Pareho naming nawala ang aming mga tatay. 40s pa lang sila.
Ang tatay ko, at ang tatay ni Josela. Maaga naming nakita kung gaano kabilis magbago ang buhay kapag health ang nawala.
That's one of the biggest reasons why we do what we do now.
They were young. Akalain mo, 40s pa lang.
Anim kaming magkakapatid. Si Josela naman, nag-iisang anak.
Pero sa totoo lang, parang matanda na si Papa noon, kahit bata pa siya.
Pagod.Sakitin.Mataas ang BP.
I didn't know it then, pero lifestyle pala talaga. Years of not moving enough, not eating right, not resting well. Unti-unting bumabawi ang katawan.
Until one day, he was just… gone.
Hindi ko siya masisisi.
Wala namang nagturo sa kanya kung paano maging malusog habang tumatanda. Wala ring nag-remind sa kanya na hindi pa huli ang lahat.
Kaya ngayon, naiintindihan ko na kung bakit ko ginagawa 'to.
Kaya kami ni Josela, we coach people in their 40s, 50s, and even 70s.
Not just to look good, but to stay strong.
Para makasama nila ang pamilya nila. To feel alive, hindi lang basta nagsu-survive.
Ilan sa mga students namin, edad 60, 66 at 72.
Ngayon, kasama namin sa gym ang nanay ni Josela.
Unpopular opinion: Huwag i-spoil ang magulang mo sa pagkain, travel at pahinga.
Simpleng galaw lang. Walang intense workout. Stretching. Breathing. Tawanan. Ang pinaka-magandang regalo sa magulang mo: lakas para makagalaw pa sila nang matagal.
Kung tatay ka, nanay ka, asawa, lolo o lola, may taong nangangailangan sa 'yo.
Not just around. Strong, functional, joyful.
